24 oras na biyahe ng mga jeep, asahang ipatutupad sa ilalim ng PUV Modernization Program

Inaasahang magkakaroon na ng 24 oras na biyahe ang mga jeepney sa oras na maipatupad ang PUV Modernization Program.

Ayon kay Office of Transportation Cooperatives Chairperson Jesus Ferdinand Ortega, ito ay dahil iiral na ang sistematikong pagpapalabas o dispatching ng mga sasakyan.

Ibig sabihin aniya nito ay hindi na lamang tuwing rush hour maraming masasakyan ang mga komyuter kundi maging sa mga patay na oras o hatinggabi na oras ng labasan ng mga nagtatrabaho sa call center at iba pang ginagabi pauwi.


Dagdag pa ni Ortega, mas murang pasahe na ang gagastusin ng mga komyuter sa halip na sumakay sa mga taxi at TNVS na mahal ang pasahe.

Gayunpaman, sinabi ni Ortega na hindi sobra at sapat na sasakyan lamang ang ilalabas ng pamahalaan sa mga kakailanganing oras.

Facebook Comments