24 oras na Check-point Operations ipinapatupad ng PNP Pangasinan

Lingayen Pangasinan – Sa pagpapaigting ng operasyon kontra kriminalidad ng PNP sa Pangasinan binigyan ng derektiba ni Acting Provincial Director PCol. Redrico Maranan ang 48 na mga hepe ng iba’t ibang bayan sa lalawigan na magsagawa ng 24 hours check-point operation sa mga specific areas mula sa dating tig-dalawang oras. Sa datos kasi na ibinahagi ni Maranan mula January to May 2019 mataas ang insidente ng pamamaril sa lalawigan.

Kaya naman sa unang linggo pa lamang ni Maranan bilang acting provincial director ay ipinag-utos na nito ang mahigpit na pag-implement ng search warrant laban sa mga taong nagtatago ng mga ilegal na baril at pampasabog. Sa katunayan sa kanilang one-time bigtime operation nakapaghain sila ng himigit kumulang 40 search warrants kung saan nasa 30 illegal firearms, higit 300 na mga iba’t ibang uri ng bala, at ilan pang kontra bando kasama na ang illegal drugs ang kanilang nakumpiska.

Sa nasabing accomplishments ng Pangasinan Provincial Police Office sa maikling panahon lamang ay nagresulta sa pagbaba ng krimen sa lalawigan ng nasa 19%. Mas mataas umano ang nasabing porsyento ng pagbaba ng krimen ngayon kumpara noong nakaraan taon.


Facebook Comments