Monday, February 2, 2026

24 ORAS NA MONITORING SA SAN NICOLAS, PINALAKAS SA PAGKAKABIT NG DRRM LED WALL

Pinalakas ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang kanilang 24-oras na monitoring system matapos maglagay ng DRRM LED Wall ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon sa lokal na pamahalaan, binubuo ang LED wall ng siyam na 55-inch industrial-grade na monitor na idinisenyo para sa tuloy-tuloy na operasyon sa loob ng 24 oras.

Inaasahang gagamitin ang nasabing sistema sa pagmomonitor ng lagay ng panahon, lindol, at mga CCTV camera na naka-install sa iba’t ibang bahagi ng bayan.

Bukod dito, ayon sa MDRRMO, magsisilbi rin itong plataporma upang agarang matukoy ang mga sitwasyong may kaugnayan sa kaligtasan ng publiko, lalo na sa oras ng emergency.

Sa kasalukuyan, patuloy na ginagamit ang sistema bilang bahagi ng pagpapaigting ng disaster risk reduction at public safety sa San Nicolas.

Facebook Comments