Manila, Philippines – Iniutos ni Philippine Coast GuardOfficer in Charge Commodore Joel Garcia sa kanyang mga tauhan ang pagkakaroonng 24 na oras na visibility at pagpapatrolya sa Palawan.
Ayon kay Garcia, pinatitiyak niya sa PCG-Palawan nasiguruhin ang kanilang presensya sa mga panguhaning pantalan gayundin sa mgatourist destination partikular na ang El Nido, Coron at Puerto Princesa City.
Nagpakalat na rin ang coast guard ng k-9 units paramakatulong sa pagtaya sa seguridad sa Palawan.
Samantala, sinabi naman ni Coast Guard SpokespersonCommander Armand Balilo na nakikipag-ugnayan din ang kanilang mga tauhan sacoastal community at sa mga mangingisda para maging mapagmatyag ang mga ito.
Inabisuhan na rin nila ang mga taga-Palawan na magreportkaagad kung may mga kahinahinalang grupo na pumasok o mamataan sa kanilanglugar.
24 oras na pagbabantay sa Palawan, ipinag-utos ng Philippine Coast Guard
Facebook Comments