Magpapatupad ng 24-oras na pagbabantay ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Sta. Barbara, Pangasinan bilang paghahanda sa Oplan Semana Santa SUMVAC 2026.
Naka-full alert ang tanggapan at itatalaga ang kanilang command post sa harap ng Public Plaza, kung saan nakaantabay ang mga awtoridad mula Abril 1 hanggang Abril 5.
Bahagi ito ng taunang paghahanda ng lokal na pamahalaan sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero at deboto ngayong Semana Santa.
Layunin ng 24-oras na pagbabantay na matiyak ang agarang pagtugon sa anumang emergency sa anumang oras. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










