24 oras ni 4th class cadet Darwin Dormitorio bago namatay mala impyerno – PNP

Mala ” impyerno ” kung ilarawan  ng Baguio City PNP ang nangyaring pangmamaltrato kay Cadet 4th class Darwin Dormitorio, 24 oras bago ito namatay.

Ayon kay Co, bagamat nakaranas ng pambubogbog at pangunguryente sa nalalabi nitong 24 oras ay nagawa pa rin nito ang utos ng kanyang upperclassmen.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Baguio, lumalabas na sinadya o planado ang  pamamaltrato kay Dormitorio batay na rin sa salaysay ng mga nakasaksi.


Ipinagtataka pa ni Co kung bakit UTI ang lumabas na findings ng doktor na tumingin kay Darwin gayung may nararanasan na pala itong internal bleeding dahil sa  mga dinanas nitong pambubugbog at pangunguryente.

Facebook Comments