24 pang Pinoy na na-rescue sa scam hubs sa Cambodia, dumating sa NAIA

24 pang mga Pilipino na biktima ng human trafficking at na-rescue sa scam hubs sa Cambodia ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.

Ang naturang mga biktima ay dumating sa bansa sakay ng Philippine Airlines flight mula Phnom Penh.

Sila ay kinabibilangan ng 9 na lalaki at 14 na mga Pinay.

Sila ay na-rescue sa tulong ng Philippine Embassy sa Cambodia matapos na puwersahang pagtrabahuhin sa online scam hubs sa nasabing bansa.

Pagdating sa airport, sinalubong ang mga biktima ng mga tauhan ng NAIA Task Force Against Trafficking at ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon sa mga biktima, ni- recruit sila sa pamamagitan ng social media at pinangakuan ng trabaho bilang customer service representatives na may buwanag sahod na USD 1,500.

Gayunman, ang binibigay lamang sa kanilanay USD 300 kada buwan at puwersahan silang pinagtrabaho bilang love scammers kung saan ang target nila ay mga lalaking Europeans.

Naging biktima rin anila sila ng pang-aabusong pisikal kapag hindi nila naaabot ang kanilang quota.

Facebook Comments