24 Persons Under Investigation, Binabantayan sa Isabela!

131

Cauayan City, Isabela- Nasa 24 na Persons Under Investigation (PUI) na lamang ang kasalukuyang inoobserbahan sa ospital na naitala sa Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Provincial Spokesperson ng Inter-Agency Task Force COVID-19, tatlo (3) aniya ang naidagdag kagabi na mga PUI mula sa dating 23 na katao at sa kabuuang 26 na naitalang PUI sa Lalawigan ay nagnegatibo na ang dalawa (2) na taga bayan ng Luna at San Isidro.

Hinihintay na lamang ang lab results ng 24 kung positibo o negatibo ang mga ito sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Kaugnay nito, nasa 19 naman ang kabuuang bilang ng mga naitalang PUI sa Lalawigan na nagnegatibo sa COVID-19.

Facebook Comments