240 na barangay sa Zamboanga Peninsula, drug cleared na

*Zamboanga* – Umaabot na sa 240 barangay sa Zamboanga Peninsula ang nasertipikahang “drug cleared barangay ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Sa datus na inilabas ng police regional office 9, sa 1,750 na drug-affected barangay sa buong rehiyon 240 nito ang ideneklarang drug cleared.
Ang lalawigan ng Zamboanga del Sur ang may pinakamaraming bilang ng drug cleared barangay na umabot sa 111 na barangay.
Pangalawa sa may pinakamaraming drug cleared barangay ay ang Zamboanga del Norte na may 103 na barangay at sumunod ang Zamboanga Sibugay na may 25 na barangay.

Facebook Comments