Tinanggap ng mga magsasaka ng bigas at tobacco sa Mangaldan ang mahigit 2,400 bag ng pataba na may katumbas na halagang aabot sa P3 milyon mula sa Department of Agriculture (DA).
Kabilang ito sa Rice Production Fertilizer Support Program, bilang tulong sa produksyon ng palay.
Ayon sa lokal na pamahalaan, malaking tulong ang libreng pataba lalo na sa gitna ng mataas na presyo ng abono sa merkado na patuloy na idinadaing ng mga magsasaka.
Tumanggap rin ng 67 bag ng pataba at ilang pesticides ang mga kooperatiba ng tobacco growers sa bayan.
Samantala, matatandaan sa panayam ng IFM News Dagupan sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) noong Nobyembre ag kinakaharap na pagkaantala sa delivery ng pataba sa mga magsasaka sa rehiyon, bagay na patuloy na inaaksyonan ng tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









