2,400 OFWs, apektado sa 2 linggong flight suspension ng Hong Kong government

Kinumpirma ng Hong Kong Union of Employment Agencies na 2,400 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang maaapektuhan ng 14-day flight suspension ng Hong Kong government.

Layon nito na maiwasan ang lalo pang pagtaas ng imported cases ng COVID-19 sa Hong Kong.

Bukod sa Pilipinas, suspendido rin ang flights patungong Hong Kong mula Australia, Canada, France, India, Pakistan, United Kingdom at United States of America.


Ito ay epektibo sa January 22 ng hatinggabi hanggang February 4.

Ayon sa Hong Kong Union of Employment Agencies, maraming Filipino workers na ang baon sa utang matapos na ilang beses na maapektuhan ng flight suspension ng Hong Kong government.

Facebook Comments