
Naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa nalalapit na Undas.
Kung saan magpapakalat ng 2,400 na traffic enforcers, kasama ang mga auxillary ng ahensya, na tututok sa mga kalsada.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes na full force ang pagpapakalat ng kanilang mga tauhan kung saan hindi muna pupwedeng mag-absent o mag-leave.
Bukod pa rito, maglalatag din ang MMDA ng Traffic Management Plan papunta sa mga bus terminals, pantalan, at mga paliparan.
Dagdag pa ni Artes na makikipag-ugnayan din siya sa pamunuan ng North Luzon Expresway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) para sa mas mabilis na paglabas ng mga sasakyan sa Metro Manila.
Facebook Comments









