Natanggap na ng Commission on Elections (Comelec) ang ikalawang batch ng automated counting machines (ACMs) na gagamitin para sa 2025 midterm elections.
Ayon sa poll body, nasa 8,640 ACMs ang na-deliver ng South Korean firm na Miru Systems at dinala sa Comelec warehouse sa Biñan, Laguna.
Tiniyak naman ng Comelec na iniinspeksiyong mabuti ang bawat ACM para masiguro ang kalidad nito.
Habang ang mga makinang hindi makakapasa sa initial inspection ay ibabalik para palitan.
Sa ngayon, nasa 24,000 ACMs na ang nasa bansa habang 7,000 sa mga ito ang kasalukuyan pang nasa Bureau of Customs.
Target ng Comelec na makumpleto ang delivery ng 110,000 ACMs pagsapit ng Disyembre.
Facebook Comments