24,000 passport applications, ibinasura ng DFA

Aabot sa 24,000 passport applications ang ibinasura ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa maling mga impormasyon gaya ng pangalan at kapanganakan ng aplikante.

Ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dulay, apat naman sa 100 applicants ang may isyu sa kanilang passport applications.

Kasabay nito, pinayuhan ni Dulay ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na may concern na gamitin ang courtesy lane ng DFA o magpa-appointment sa online system sa website ng ahensya.


Maaari din aniyang sumulat sa oca.cl@dfa.gov.ph at sabihin ang mga detalye at pangangailangan sa pasaporte.

Facebook Comments