243 NA PNP PERSONNEL SA ILOCOS REGION BAKUNADO NA

25

Bakunado na ng Covid-19 vaccine ang 243 na PNP personnel sa Ilocos region ayon sa Police Regional Office 1.

Ang mga PNP personnel na nabakunahan dito ay kabilang sa mga health personnel ng ahensiya gaya ng nurse at medical technologist na nakatalaga sa health unit station ng rehiyon.


Kabilang ang mga ito sa priority list ng DOH na turukan ng bakuna bilang panlaban sa Covid-19.

Nagsagawa naman ng survey ang ahensya sa mga miyembro nito at mataas umanong bilang ng mga pulis ay mayroong pagtanggap sa Covid-19 vaccine.

Matatandaan na nagpalabas ng direktiba ang PRO 1 sa mga PNP personnel na papasok sa rehiyon ay kailangang magkaroon ng rt-pcr test result lalo na sa mga galing sa high risk areas.

Facebook Comments