245 MAG-AARAL SA PANGASINAN, TINURUAN MAGING RESPONSABLENG KONSYUMER

Tinuturuan maging responsableng konsyumer ang mga mag-aaral sa Pangasinan kasunod ng isinagawang Consumer Awareness Seminar na pinangunahan ng Department of Trade and Industry – Pangasinan Provincial Office.

Tinalakay sa seminar ang mahahalagang probisyon ng Consumer Act of the Philippines, kasama ang mga karapatan at responsibilidad ng mga mamimili.

Layunin ng programa na hindi lamang gawing “informed buyers” ang mga estudyante kundi hubugin silang maging mapanuri.

Naging masigla ang talakayan dahil sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral. Nagbahagi sila ng sariling karanasan, nagtanong tungkol sa mga isyung kinahaharap sa araw-araw na transaksyon, at nakibahagi sa interactive quiz na nagpatibay sa kanilang natutuhan.

Namahagi rin ng impormasyon at reference materials na maaari nilang magamit hindi lamang sa paaralan kundi maging sa kanilang mga pamilya.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng ganitong mga inisyatiba, pinatitibay ng DTI Pangasinan ang paniniwalang ang edukadong kabataan ang susi sa mas mapanuri at mas ligtas na pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments