Wednesday, April 8, 2026

245 pulis, nadismiss sa serbisyo sa unang quarter ng taon — PNP

Umabot sa 245 PNP personnel ang nadismiss sa serbisyo sa unang quarter ng taon, mula January 1 hanggang March 31.

Pinakamataas ang bilang ng mga nadismiss sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at National Headquarters, na sinundan ng Police Regional Office 11 (PRO11) at PRO12.

Samantala, umabot sa 765 administrative cases ang naresolba ng PNP sa parehong panahon na may kaukulang parusa.

Sa mga ito, suspension ang pinakamaraming ipinataw na penalty, kasunod ang dismissal at reprimand, na karamihan ay kinabibilangan ng mga Police Non-Commissioned Officers mula Patrolman hanggang Police Executive Master Sergeant.

Nagpaalala naman si PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga personnel na panatilihin ang mataas na antas ng disiplina at magserbisyo nang may integridad.

Facebook Comments