245K NA PFIZER VACCINE, DUMATING SA ILOCOS REGION

Dumating sa Ilocos Region ang mahigit 245, 700 na doses ng Pfizer Vaccine.

Ang bakuna ay idiniretso sa Regional Storage Facility sa San Fernando City La union.

Ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1, isa ang Pfizer sa mga bakunang ligtas at epektibo na ginagamit upang bakunahan ang eligible population at mga severe cases.


Sa Phase III clinical, ang naturang bakuna ay epektibo din sa mga symptomatic sa COVID-19.

Sa kabuuan nasa 2, 700, 000 na ang bakunang natanggap ng region 1 mula sa anim na brand ng bakuna.###

Facebook Comments