264 na Na-Lockdown sa Bataan, Naayudahan ng LGU Isabela!

Cauayan City, Isabela – Umabot sa 264 Isabelinos na na-lockdown sa Mariveles, Bataan ang natulungan ng lokal na pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Sila ay nabigyan ng face mask, Vitamin C, at financial assistance na nagkakahalaga ng P3,000 piso bawat isa.

Ang mga ito ay personal na dinala ng kinatawan Provincial Government of Isabela (PGI) na pinangungunahan ni Dr. Derrick Vizcarra.


Ang distribusyon ay personal din na sinaksihan ni Mariveles Mayor Jocelyn P. Castaneda at PNP Mariveles Chief of Police Lt. Col. Ronald A. Almirol sa mismong Mariveles Municipal Hall.

Laking tuwa at pasasalamat naman ng naturang bilang ng mga mamamayan ng Isabela sa natanggap na tulong mula sa lokal na pamahalaang panlalawigan.

Pinasalamatan din nila si Isabela Gov. Rodito T. Albano III dahil sa mabilis na pagtugon nito sa kanilang kahilingan.

Ito umano ay manipestasyon na hindi nito hinahayaang may Isabeleños na maiiwan sa gitna ng laban sa COVID-19.

Facebook Comments