
CAUAYAN CITY – Isinagawa kahapon, ika-29 ng Mayo ang Capacity Development Training and Learning Session sa FLDY Colisuem, Cauayan City, Isabela na dinaluhan ng 248 TUPAD beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay sa nabanggit na lungsod.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment kung saan tinalakay dito ang mga paksa na makakatulong sa mga benepisyaryo kabilang na ang mga benefits, services, at programs ng SSS na maaari nilang ma-avail.
Bukod dito, tinalakay rin ang Occupational Safety and Health (OSH) na naglalayong maiwasan ang anumang aksidente at mapanatiling ligtas ang mga manggagawa.
Nagkaroon din ng talakayan patungkol sa Labor laws and worker’s rights upang sa gayon ay maprotektahan ang mga manggagawa sa anumang klase ng karahasan.









