PINAGSASAKSAK ang isang 25 anyos na babae sa bayan ng Alcala dahil umano sa matinding selos.
Kinilala ang biktima na si Rachelle Cacayorin, at ang suspek ay si Noli Figuracion pawang bente singko anyos.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, katatapos lamang umanong maligo ng biktima nang biglang pumasok ang suspek at sinaksak sa dibdib at sa balikat ang biktima.
Agad namang nakatakas ang suspek sa pamamagitan ng pagdaan sa likurang bahagi ng bahay at pagtalon sa bakod.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang kitchen knife na ginamit sa insidente.
Nagsagawa ang awtoridad ng follow up operation matapos makilala ng biktima ang suspek sa pamamagitan ng boses at mata nito.
Inimbitahan ang suspek sa presinto ng pulis at inamin ang ginawang pananaksak sa biktima.
Ayon sa awtoridad, nalaman umano ng suspek na mayroong umaakyat ng ligaw sa biktima.
Ngunit itinanggi naman ng biktima na karelasyon nito ang suspek.