Isang anonymous na donor ang hinahangaan ngayon sa Bayan ng Binmaley matapos magkaloob ng 25 brand new hospital beds at tables para sa mga pasilidad pangkalusugan ng bayan.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley sa nasabing donasyon na inaasahang makatutulong upang makapagbigay ng mas maayos, ligtas, at komportableng serbisyo sa mga pasyente.
Itinuturing itong isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng serbisyong medikal sa komunidad, lalo na sa gitna ng patuloy na pangangailangan sa mas modernong pasilidad sa kalusugan.
Bagamat piniling manatiling hindi makilala ng donor, ang kanyang bukas-palad na pagtulong ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang mga mamamayan upang tumulong at makibahagi sa ikabubuti ng nakararami. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









