25 bata nagpabilisang gumapang sa taunang baby race contest sa Lithuania

144
Image via Reuters

Muling idinaos sa Vilnius, Lithuania ang taunang annual baby race competition nitong Hunyo 1.

Nagpabilisang gumapang sa red carpet ang 25 bata, edad pito hanggang 11 buwan.

Ang paligsahan ay parte ng International Children’s Day sa bansa. Sinimulan ang nakatutuwang crawling event mula pa 1999.


Iba’t-ibang diskarte ang ginawa ng mga magulang para makarating agad sa finish line ang mga chikiting. Bitbit nila ang paboritong laruan, pagkain, at gamit ng mga supling para sa mabilisang pangeenganyo.

Tinanghal bilang kampeon si Ignas Dovydaitis, na ipagdiriwang ang unang kaarawan sa susunod na linggo.

Facebook Comments