
Nagtagisan ang 25 batang mang-aawit sa isinagawang Kids Edition Blind Auditions ng The Voice of Pangasinan 2026 – Season 4 sa Alaminos City.
Opisyal nang nagtapos ang blind auditions para sa Kids Edition, habang kasalukuyan namang isinasagawa ang Main Edition na tampok ang mga mahuhusay na amateur performers mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.
Nagbigay rin ng mensahe ng suporta at paghihikayat ang kinatawan ng lokal na pamahalaan para sa mga kalahok at kanilang pamilya.
Nagbigay-inspirasyon sa mga batang mang-aawit ang espesyal na pagtatanghal ni Audriz Hanna Cerineo, 1st Runner-Up ng The Voice of Pangasinan 2025 – Season 3 Kids Edition at semi-finalist ng The Voice Kids Philippines.
Dumalo rin ang mga kinatawan ng pamunuan ng kompetisyon at iba pang panauhin bilang suporta sa patuloy na pagdiriwang ng talento at musika sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










