Inilagay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa blacklist ang higit 20 ‘non-performing’ at ‘scheming’ contractors.
Mula July 2016 hanggang sa kasalukuyan, aabot sa 25 contractors ang ipina-ban ng DPWH.
Para kay Public Works Secretary Mark Villar, maituturing itong pinakamaraming bilang ng blacklisted contractors mula noong 2005.
Tanging limang contractors ang pinatawan ng sanction mula 2010 hanggang June 2016 at walo naman mula 2005 hanggang 2010.
Ayon kay Villar, dapat magsilbi itong babala sa iba pang contractors na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-corruption campaign.
Iginiit ni Villar na ang mga contractors na lalabag sa terms and conditions ng mga kontrata ay mahaharap sa blacklisting o masususpinde mula pagsali sa anumang government projects alinsunod sa mga batas at polisiya.