25 opisyal ng gobyerno sa Metro Manila ang may banta sa seguridad
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), ito ay base sa kanilang pinakahuling threat assessment.
Sa harap ito ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election (BSKE) kung saan lumabas na may medium risk threat ang mga sumusunod:
• 3 kongresista
• 2 mayor
• 1 vice mayor
• 9 na barangay chairman
• 2 barangay councilor
• 1 SK chairman
Sinabi ni NCRPO Spokesperson Lt. Col. Eunice Salas na ang naturang mga opisyal ay nasa medium risk sa mga lugar na may intense political rivalry.
Ilan din aniya ay mula sa lugar na may identified communist terrorist group
Inatasan na rin ang unit commanders sa naturang mga lugar na paigtingin ang seguridad sa may mga intense political rivalry at makipag-ugnayan sa mga pulitikong may pagbabanta sa buhay para mabigyan sila ng seguridad.