25 guro at estudyante, patay sa sunog sa Kuala Lumpur, Malaysia

Malaysia – Dalawampu’t limang guro at mga estudyante ang nasawi sa sunog sa isang religious school sa Jalan Datuk Keramat sa Kuala Lumpur, Malaysia kaninang umaga.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog pero nakitaan na ng fire and rescue department ng mga paglabag sa fire safety measures ang paaralan.

Simula pa noong 2015, aabot na sa dalawang daan at labing isang sunog ang naitala sa Jalan Datuk Keramat.


Facebook Comments