Matagumpay na sumailalim ang dalawampu’t-limang katao sa bayan ng Tayug na nais magkaroon ng kaalaman at matuto ukol sa Photovoltaic Systems Installation Program ng Technical Education and Skills Development Authority.
Ang nasabing programa ay sa ilalim ng Tulong Trabaho Scholarship Program ng ahensya kung saan ang nabanggit na bilang na kalahok ay magsasanay at mag-aaral sa loob ng tatlumpu’t-anim o 36 na araw.
Hindi lamang kaalaman ang ibibigay ng TESDA kundi pati na rin ang pinansyal na suporta sa pamamagitan ng araw-araw na cash allowance.
Naging posible ang naturang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng ahensya sa Luciano Millan Memorial School of Arts and Trades at sa Pamahalaang Lokal ng Tayug.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Tayug bibigyan ng pansin ang ganitong libreng programa upang makatulong at magbenipisyo sa kanilang mga nasasakupan.|ifmnews
Facebook Comments