Sa kabila ng isinapublikong narcolist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 25 personalidad na kasama sa listahan ang nanalo nitong eleksyon.
Ayon kay PDEA Chief Director Genreal Aaron Aquino, sa 46 pangalan na nasa narcolist nasa 36 rito ang tumakbo nitong eleksyon kung saan 25 sa mga ito ang nanalo.
Sa 25 nanalo, 18 ang nanalong alkalde, tatlo sa pagka-vice mayor, dalawa sa pagka-congressman, isa sa pagka-vice governor at isa para sa pagka-councilor.
Sabi ni Aquino, hindi na nila ikinagulat na marami sa mga nasa narcolist ang nanalo dahil ganito rin ang nangyari noong barangay election.
Pero kahit nanalo na ang mga ito pagtitiyak ni Aquino, patuloy silang kakalap ng mga ebidensya at imo-monitor ang mga ito.
Bagaman ginagalang ang naging boses ng mga botante iginiit ni DILG Undersecretary Rico Judge Echiverri na hindi ibig sabihin nito ay abswelto na sila sa kanilang kasong nakahain sa Ombudsman.