25 katao,Nasawi sa COVID-19; Aktibong kaso sa Cagayan, Pumalo sa higit 4,000

Cauayan City, Isabela- Naitala ang 25 kataong nasawi dahil sa COVID-19 mula sa 10 lugar sa lalawigan ng Cagayan ngayong araw, Setyembre 2,2021.

Base ito sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) kung saan ito na ang pangatlong beses na nakapagtala ang lalawigan ng mataas na bilang ng mga nasawi ng magsimula ang pandemya.

Anim (6) ang nasawi mula sa Tuguegarao City; lima (5) sa bayan ng Buguey;apat (4) sa Baggao; tatlo (3) sa Aparri;dalawa (2) sa Alcala;isa sa mga bayan ng Amulung, Lasam, Pamplona, Solana, at Sto. Niño.


Sa talaan ng Provincial Health Office, nangunguna pa rin sa may pinakamataas na aktibong kaso ang lungsod ng Tuguegarao na umabot sa 1,225; sinundan ng bayan ng Baggao na mayroong 402 bilang.

Mayroon namang 494 ang naka-home quarantine sa Tuguegarao City; 66 sa Baggao; 23 sa Claveria; 10 sa Solana; lima sa Abulug; apat sa Lal-lo; tatlo sa Sto. Niño.

Samantala, umakyat na sa 4,350 ang aktibong kaso sa buong Cagayan kung saan 921 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa virus at 26, 738 ang nakarekober mula sa sakit.

Facebook Comments