25-M COVID-19 vaccine, handang ibigay ng dalawang US firm sa bansa

Handa ang dalawang US biopharmaceutical firms na Moderna at Arcturus na mag-supply ng tig-apat hanggang sa 25 million COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, umaasa ang Moderna at Arcturus na ikokonsidera ng pamahalaan na maidagdag sila sa gagamiting COVID-19 vaccine sa bansa.

Magiging available aniya ang bakuna sa ikatlong kwarter ng 2021 kung pumayag ang Philippine government sa kanilang proposal.


Sa ngayon, binigyan na ng US Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna ng Moderna ng Emergency Use Authorization (EUA) para magamit sa kanilang mga estado.

Facebook Comments