25 mga pulis, nadagdag sa mga positibo sa COVID-19

40

Tumataas pa ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), na umabot na sa 1,006.


Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office kahapon, panibagong 25 na mga pulis ang nagpositibo sa COVID-19.

Walo sa mga nagpositibo ay nakatalaga sa Police Regional Office 7, pito sa NCRPO, apat sa PNP CALABARZON, dalawa sa PNP Aviation Security Group, Isa sa Camp Crame, isa sa PNP Special Action Force, isa sa PNP-HPG at isa sa PNP-CIDG.

Sa kabila nito, 455 naman ang gumaling na sa sakit habang inoobserbahan pa ang 652 na pulis na ikinokonsiderang mga probable cases at 1,252 na suspect cases ng COVID -19.

Nanatili naman sa siyam ang pulis na namatay dahil sa COVID -19.

Facebook Comments