25 million COVID-19 vaccines, darating sa bansa ngayong September

Tinatayang nasa 25 milyong COVID-19 vaccines ang darating sa Pilipinas ngayong Setyembre.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kabuuan itong 114 milyong bakuna para sa ikaapat na kwarter ng taon.

Kinabibilangan ito ng mga bakuna ng; Pfizer, Sinovac, Gamaleya, COVAX, at Moderna.


Nasa 951,692 bakuna naman ang darating sa bansa na ibibigay sa Metro Manila.

Sa ngayon, ilang kumpanya na ang hindi interesado sa multi-party agreements (MPAs) at diretsong makikipag-ugnayan na sa gobyerno para sa pagbili ng mga bakuna.

As of August 23, umabot na sa mahigit 30 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa Pilipinas.

Facebook Comments