25 million COVID-19 vaccines ng Sinovac, target na makuha ng pamahalaan

Target ng pamahalaan na bumuo ng kasunduan sa Chinese vaccine manufacturer na Sinovac Biotech para sa delivery ng 25 million doses ng COVID-19 vaccine sa bansa sa unang kwarter ng 2021.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nagkaroon siya ng makabuluhang pulong sa mga kinatawan ng Sinovac at umaasa siyang maisasapinal ang negosasyon ngayong linggo.

Naghayag ng kumpiyansa ang Sinovac officials na kaya nilang mag-supply ng bakuna sa April 2021 pero hinihiling ni Galvez sa kanila kung maaari pa itong gawing mas maaga.


Kapag naabot ang kasunduan, ang Chinese candidate vaccine ang unang bakunang darating sa bansa, bago ang AstraZeneca na inaasahang maihahatid sa Pilipinas sa unang kwarter ng 2021.

Ang Sinovac vaccine ay nakalusot na sa Vaccine Expert Panel pero kailangan nilang magpasa ng requirement para sa pagsasagawa ng Phase 3 clinical trials sa bansa.

Hinihintay na lamang nila ang Food and Drug Administration (FDA) na aprubahan ang Sinovac.

Tiniyak naman ni Galvez na ang lahat ng bakunang papasok sa Pilipinas ay ligtas at epektibo.

Kumpiyansa rin si Galvez na Sinovac lalo na inalukan siya ng “after sales freebies” na siyang makakatiyak ng kanilang mahusay na serbisyo sa mga Pilipinong mababakunahan ng kanilang vaccine candidate.

Facebook Comments