25 million vulnerable Filipinos, target na mabakunahan ng pamahalaan pagsapit ng Setyembre – Galvez

Plano ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID-19 ang nasa 25 milyong Pilipino para maabot ang herd containment pagsapit ng Setyembre.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang 25 milyon ay binubuo ng health workers, senior citizens at people with comorbidities.

Kaya umaasa si Galvez na magkakapagdiwang na ang Pilipinas ng maligayang Pasko ngayong taon.


Kapag naabot ang herd containment, mababawasan ang hospitalization at bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19.

Nasa 58 million hanggang 70 million Filipinos naman ang target na mabakunahan ng pamahalaan sa Nobyembre para makamit ang herd immunity.

Sa second quarter ng 2022, nasa 110 milyong Pilipino naman ang dapat mabakunahan kasama ang mga bata para tuluyang mapuksa ang COVID-19.

Kung gagawing simple, 25 million na tao na kabilang sa A1 hanggang A3 priority ang sinimulan ng bakunahan mula nitong Marso hanggang Abril.

Ang A4 at A5 priority group at babakunahan naman sa Hunyo kung saan kabilang ang government at economic frontliners at indigent population.

Sa ngayon, nasa 4,009,880 vaccines shots mula sa 7,571,000 total doses ng COVID-19 vaccines ang nai-deploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nasa higit 1.9 million doses na ang naiturok habang 451,270 ang nakatanggap ng second dose.

Facebook Comments