Halos lahat ng mga barangay sa bayan ng Sta. Barbara ay kabilang sa mga nakaranas ng malawakang epekto ng nagdaang mga bagyo at habagat.
Sa panayam ng IFM News Team kay Sta. Barbara LDRRMO Officer I Mary Angeline Zulueta, mahigit walong libong mga pamilya o katumbas nito ang nasa apatnapung libo hanggang limampung libo ang bilang ng mga naapektuhang residente.
Ayon kay Zulueta, bagamat pinaigting ang isinagawang pre-emptive at forced evacuation, aminado itong hirap ang ilan sa paglikas dahilan na ang karamihan ay hindi maiwanan ang mga kabahayan.
Samantala, patuloy na inaabisuhan ang lahat ng barangay lalo na ang Brgy. Sonquil, Dalongge at Riverside sa nararanasang mataas na lebel ng tubig.
Patuloy ding binabantayan ng awtoridad ang sitwasyon sa Sinucalan River at sa posibleng pag-apaw pa nito sakaling magpatuloy ang pag-uulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






