
Pinatawan ng National Food Authority (NFA) ng preventive suspension ang 25 empleyado ng ahensya.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, nahaharap ang mga empleyado sa grave misconduct dahil sa isinagawang internal audit.
Kabilang sa mga sinuspinde ang branch manager, assistance branch manager, warehouse supervisor, at staff.
Bukod dito, 32 ang inihaing administrative cases laban sa mga empleyado ng NFA.
54 naman ang sinilbihan ng show cause order, habang 6 ang pending investigation.
Galing umano ang mga iniimbestigahan mula sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Mimaropa, Bicol region at Western visayas.
Kasunod nito, iginiit ni Lacson na dapat magsilbing babala ang mga internal audit laban sa mga tiwali sa ahensya.
Sinimulan aniya niya ang pagsasagawa ng intensified audit sa kanilang operasyon matapos siyang maupo sa NFA.









