Manila, Philippines – Nagtipun-tipon para sa isang emergency meeting ngayon ang pinakamalalaking organisasyon ng mga doktor sa bansa.
Ito ay para ilabas ang kanilang sintimyento sa umanoy kawalang-aksyon ng Senado para maipasa na ang sin tax law o ang batas na naglalayong maningil ng mas mataas na buwis sa mga sigarilyo at alak para magamit sa implementasyon ng universal health law.
Ayon kay Dr. Antonio Dans ng National Academy of Science and Technology Academicians, nagpakita ng kapabayaan ang ilan sa mga senador.
Naniwala si Dans na nabubulungan ng maling impormasyon ang mga senador sa paniwalang babagsak ang tobacco industry sakaling ipasa ang bagong sin tax bill.
Nagtataka ang mga pangulo ng mga Medical societies kung bakit nagtatagal sa komite ni Senador Sonny Angara ang pagrepaso sa panukala.
Nagbabala ang mga organisasyon ng mga doktor na gagamitin nila bilang election issues ang sin tax law sakaling mabigo ito na makalusot