25 paaralan, makikinabang sa 2022 Adopt-A-School Program ng GSIS

Aabot sa 25 paaralan ang magiging benepisyaryo ng 2022 Adopt-A-School Program (ASP) ng Government Service Insurance System (GSIS).

Sa ilalim ng ASP program, makakatanggap ang mga naturang paaralan ng assistance package mula sa GSIS na siyang makakatulong sa mga problema sa logistics na kinahaharap ng mga pampublikong paaralan.

Ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso, pagtugon ito ng ahensya sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbigay ng mga kagamitan tulad ng computers, internet connection at educational tools na magagamit ng mga estudyante sa pag-aaral.


Kaugnay nito, tinaasan ng GSIS ngayong taon sa P400,000 ang ibibigay nila sa 25 beneficiary schools mula sa P300,000 noong nakaraang taon.

Samantala, aabot na sa 85 paaralan ang nakinabang sa ASP nang magsimula itong ipatupad noong 2014.

Facebook Comments