25 pamilya ng healthcare workers na namatay sa COVID-19, nakatanggap na ng benepisyo ayon sa DOH

Nakatanggap na ng ₱1 million death benefit ang pamilya ng 25 healthcare workers na namatay sa COVID-19.

Ito ay taliwas sa pahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado na ang pamilya ng 29 mula sa 32 healthcare workers ang nakatanggap na ng benepisyo.

Ayon sa DOH, mula sa 32 tseke, 25 ay natanggap na ng pamilya, lima ang mayroong final pending documents tulad ng Special Power of Attorney (SPA) bago nila matanggap ang tseke.


Ang dalawang natitirang pamilya ay mayroong tagapagmana na nasa labas ng bansa, kaya hindi nila agad maipoproseso at naghahanap pa sila ng iba pang kaanak na maaaring tumanggap nito.

Bukod dito, makakatanggap ng ₱100,000 ang 42 healthcare workers na matinding tinamaan ng COVID-19.

Ang cash assistance sa mga healthcare worker na nakamandato sa ilalim ng Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.

Matatandaang binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOH hanggang bukas, June 9, 2020, para maipaabot ang tulong sa mga benepisyaryo.

Facebook Comments