25 PAMILYA SA LA UNION, NABIGYAN NG 50K NA LIVELIHOOD ASSISTANCE

Nabigyan ng 50, 000 na livelihood assistance ang 25 pamilya sa bayan ng Luna, La Union sa ilalim ng DSWD Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program (BP2P) at Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ang nasabing halaga ay gagamitin sa pagpapatayo ng kanilang mga napiling negosyo at Transitory Family Support Package (TFSP) na humigit kumulang na nasa P20-50k upang magamit naman sa pagsisimula at pagbangon ng kani-kanilang pamilya.

Iginawad ito ng mga kawani ng DSWD kasama ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.

Ang BP2P ay naglalayong matulungang makabalik sa probinsiya ang mga pamilyang natamaan ng kasalukuyang pandemya upang makapagsimula muli ng kanilang panibagong buhay sa tulong ng DSWD. | ifmnews

Facebook Comments