Aabot sa dalawampu’t limang (25) pamilya o 119 indibidwal ang apektado ng pananalasa ng ipo-ipo.
Sa ulat ng PDRRMO, naapektuhan ang ilang pamilya mula sa mga Barangay Sto. Domingo at Macate sa Bambang.
Samantala, batay naman sa pagtaya ng Office of the Civil Defense, dalawampu (20) na kabahayan ang winasak ng ipo-ipo at maswerte namang walang naitalang sugatan maliban sa naitalang nasawi matapos tamaan ng kidlat mula sa Barangay Sto. Domingo.
Kaugnay nito, nakapagpamahagi na ng 100 family food packs at family kit ang Provincial Social Welfare and Development sa mga apektadong pamilya.
Nag-abot na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan at Philippine Red Cross Nueva Vizcaya Chapter sa mga biktima.
Patuloy naman na inaalam ng Pamahalaang Panlalawigan ang halaga ng pinsala sa mga nasirang ari-arian.