Monday, March 23, 2026

25 pang OFWs at isang sanggol, nakatawid na ng Egypt mula Israel

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 25 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) at isang sanggol ang nakatawid na ng Egypt mula Israel.

Ayon sa DFA, ito na ang ika-pitong batch ng mga Pilipino na nakatawid sa Taba Border Crossing sa Egypt mula Israel.

Agad naman silang tinulungan ng Philippine Embassy sa Cairo sa pagproseso ng kanilang immigration documents sa Egyptian Immigration Arrival Hall.

Kinumpirma naman ng DFA na sa ngayon ay may 649 pang mga Pilipino mula sa iba’t ibang lugar sa Middle East ang nakatakdang lumikas.

Pinakamarami anila sa mga ito ay mula sa Qatar, Dubai-UAE at Jeddah sa Saudi Arabia.

Ang naturang mga Pinoy ay inaabangan na ng mga tauhan ng Philippine Embassy at ng Migrant Worker Office.

Facebook Comments