Uunahin munang mabakunahan ng anti-COVID-19 vaccine ang 25% sa total population ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana.
Aniya, prayoridad kasi ng gobyerno na agad mabigyan ng anti-COVID-19 vaccine ang mga matatanda na at may mga sakit.
Kaya sa panig ng AFP, uunahin na muna nilang mapabakunahan ang mga medical practitioners partikular ang kanilang mga doktor, nars at medical technicians na ngayon ay naka-deploy para tumulong sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19.
Samantala, tiniyak pa ni Sobejana na magagamit ang lahat ng sasakyan ng militar para sa pagpapa-transport ng mga bakuna katuwang ang Department of Health (DOH).
Facebook Comments