25 taong prangkisa ng third telco na DITO Telecommunity, inaprubahan na ng Kamara

Binigyan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng 25 taong prangkisa ang third telco na DITO Telecommunity Corp. ng negosyanteng si Dennis Uy.

Sa botong 240 yes, 7 no at zero abstention ay nakalusot sa huling pagbasa ang House Bill 7332 kung saan pinapayagan na ang DITO telco na kumpleto ang rollout, pagtatag at installations ng kanilang telecommunication system sa buong bansa.

Binubuo ang DITO telco ng Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corporation, Udenna Corporation, at China Telecom.


Matatandaang noong July 8, 2019 ay iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DITO Telecommunity ang “permit to operate” bilang third telco provider ng bansa.

Inaasahang sisimulan na ng DITO telco ang kanilang commercial operations sa Marso ng susunod na taon.

Facebook Comments