25 Volcanic Earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon —PHIVOLCS

Nakaalerto ngayon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros, matapos makapagtala ng malaking bilang ng volcanic earthquakes.

Batay sa update ng PHIVOLCS, umabot sa 25 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24-oras kung saan 22 ang naitala simula lang alas-10:35 kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, limang pagyanig din ang naramdaman sa Canlaon City, Negros Oriental.


Sa kasalukyan, nakataas pa rin sa Alert level 2 ang Bulkan kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometers radius ng bulkan o permanent danger zone.

Paliwanag pa ng PHIVOLCS, ang kasalukuyang aktibidad ng pagyanig ay maaaring magdulot ng pagputok at pagtaas ng Alert Level.

Facebook Comments