25-year franchise para sa Air Philippines Corporation, inaprubahan sa Kamara

Pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na nagkakaloob ng panibagong 25-taong prangkisa para sa Air Philippines Corporation.

Sa botong 168-pabor, at walang tumutol ay naaprubahan na rin sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 10442 para sa prangkisa ng naturang korporasyon, kung saan ito rin ang nagpapatakbo ng Air Phil Express, PAL Express at Philippine Airlines.

Sa ilalim ng panukala, ang Air Philippines Corporation ay binibigyang mandato para sa fix at katanggap-tanggap na “rates” para sa kanilang commercial operations batay sa pag-apruba ng Civil Aeronautics Board (CAB) at iba pang regulatory agencies ng pamahalaan.


Ipinag-uutos din sa korporasyon na panatilihin ang “scheduled o nonscheduled, at chartered local, at international air transport services” at pagbibigay ng 25% diskwento para lamang sa domestic market.

Nakasaad din sa panukala na ang presidente ay mayroong karapatan na pansamantalang kunin at i-operate ang pasilidad o ari-arian ng korporasyon, sa interes ng “public safety, security and public welfare” o kaya’y magbigay ng otorisasyon para magamit ng anumang ahensya ng pamahalaan sa panahon ng giyera, rebelyon, kalamidad, emergency at iba pang kahalintulad.

Facebook Comments