250 CULTURAL PROPERTIES, ISASAMA SA UNANG CULTURAL PROFILE NG INFANTA

Isasama sa kauna-unahang cultural profile ng Infanta ang aabot sa 250 cultural properties matapos ang isinagawang public validation ng Cultural Mapping Team noong Marso 19 hanggang 20, 2026.

Ayon sa ulat, sa pamamagitan ng cultural profiling ay itinala at idinokumento ang mga yamang kultural ng bayan upang mapangalagaan ang lokal nitong kasaysayan at tradisyon.

Pinangunahan ng Municipal Tourism, Culture, and the Arts Office ng lokal na pamahalaan ang aktibidad kung saan sinuri ang iba’t ibang cultural mapping domains sa bayan.

Kasama rin sa external validators ang National Commission for Culture and the Arts, Pangasinan Polytechnic College, Banáan Museum, at isang local historian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments