250 elderly QCitizens, unang nakinabang sa pamamahagi ng social pension ng DSWD

Umaabot sa 250 pinaka mahihirap na matatandang residente ng Quezon City ang napagkalooban ng unang Social Pension payout kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika 73 taong anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Spokesman Rommel Lopez, halagang P6,000 ang tinanggap ng bawat isang QCitizen o social pension nito sa loob ng 6 na buwan.

Paliwanag pa ni Lopez dati ang Social Pension ay Php 500 lamang kada buwan ng bawat elderly at upang higit na makatulong sa mga senior citizen sa kanilang mga pangangailangan ay ginawa na itong Php1,000 bawat elderly kada buwan batay sa sinasaad ng RA 11916 na nagtataas ng Social Pension sa mga Senior Citizen.


Mula rito ay makakatanggap na ng P1,000 kada buwan o P6,000 kada anim na buwan ang lahat ng social pensioners na mga elderly nationwide.

Dagdag pa ni Lopez, ang pondo para dito ay nakapaloob na sa 2024 budget ng ahensya.

Sa rekord ng DSWD, halos may 4.1-milyong bilang ng mga indigent seniors ang kasama sa mga benepisyaryo na makakatanggap na ng buwanang Php1,000 tulong mula sa ahensya.

Facebook Comments