250 frozen food packs, naipamahagi sa mga grupo ng kababaihan, empleyado at strikers sa Camp Crame

Namigay ang Philippine National Police (PNP) partikular ang PNP Officers’ Ladies Club (OLC) ng 250 frozen food packs sa mga grupo ng kababaihan, mga empleyado at strikers sa loob Camp Crame sa Quezon City.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, layunin ng aktibidad nilang ito ay upang maiparating sa mga benepisyaryo ang kanilang pasasalamat dahil sa patuloy na pagsisilbi sa mga pulis na sila namang nagsisilbi at nagpoprotekta sa bansa at sa taong bayan.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Barangayanihan ng PNP kung saan naghahanap sila ng sponsor para matulungan ang mga Pilipinong lubhang apektado ng pandemya.


Isinagawa ang pamimigay ng food packs sa Heritage Park Camp Crame, Quezon City nitong September 2 at 3, 2021.

Facebook Comments